
Matagumpay na isinagawa ng DILG-NCR ang huling paglulunsad ng Barangay Resilience Advocates Volunteer Group – Advanced Knowledge and Operations o BRAVE AKO Training Program para sa Lungsod ng Parañaque noong ika-8 ng Setyembre 2025 sa Citadines Bay City Manila, Pasay City.Â
Sa kanyang pambungad na mensahe, iginiit ni City Director John A. Visca, CESO V ng DILG Parañaque Field Office ang kahalagahan ng aktibong paghahanda para sa âThe Big Oneâ bilang bahagi ng kolektibong tungkulin ng pamahalaan at mga lokal na pamayanan.
Upang opisyal na simulan ang mga talakayan, pinangunahan nina LGOO III Mandy O. Alqueza ng Local Government Capability Development Division at LGOO III Marvin E. Agno ng DILG Parañaque Field Office ang Module 102: Integrated Barangay Development and Disaster Risk Reduction and Management Planning.
Bilang bahagi ng nasabing module, aktibong nakibahagi ang mga kalahok sa mga workshop na nakatuon sa hazard mapping, risk analysis, at pagtukoy ng mga risk-informed na programa, proyekto, at aktibidad para sa kani-kanilang komunidad.
Nagsilbing kalahok sa BRAVE AKO Training Program ang mga kinatawan ng mga barangay, civil society organizations, at pribadong sektor mula sa anim na barangay na nasa loob ng one-kilometer buffer hazard zone ng West Valley Fault System. Layunin ng programa na higit pang paigtingin ang kahandaan at katatagan ng mga barangay sa harap ng mga nakaambang peligro, kabilang na ang inaasahang 7.2 magnitude earthquake na mas kilala bilang âThe Big One.â
