Itinampok sa ikalawang araw ng BRAVE AKO Training Program Rollout sa Bayan ng Pateros ang ilang practical life-saving skills sa ilalim ng Module 104 noong ika-4 ng Setyembre 2025 sa Astoria Plaza, Lungsod ng Pasig.

Pinangunahan ni Thelma S. Barrera, RN, MHPNS V, Psychosocial Care Specialist at Mental Health and Psychosocial Support Consultant, ang komprehensibong diskusyon ukol sa Psychological First Aid.

Samantala, ibinahagi naman ng First Aid Trainers na sina Karen G. Santiago, Jose Marie M. Galang, at Radames Kahlil M. Montalvo ang mga kaalaman at kasanayan hinggil sa Basic Life Support.

Layunin ng nasabing module na higit pang ihanda ang mga opisyal ng barangay at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor upang matiyak ang pagbibigay ng agarang tulong—pisikal man o emosyonal—sa oras ng krisis o emerhensiya.