Sa ikalawang araw ng BRAVE AKO Training Program, na ginanap noong ika-9 ng Setyembre 2025, sa Citadines Bay City Manila, Pasay City, natutunan ng mga kalahok mula sa Lungsod ng Parañaque ang mahahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan para sa maagap na pagtugon sa krisis bilang parte ng Module 104.

Ibinahagi ni Thelma S. Barrera, RN, MHPNS V, Psychosocial Care Specialist at Mental Health and Psychosocial Support Consultant, ang mga epektibong pamamaraan sa pagbibigay ng agarang psychosocial support sa mga indibidwal, partikular sa panahon ng krisis. 

Sa kabilang banda, tinalakay naman ng First Aid Trainers na sina Karen G. Santiago at Jose Marie M. Galang ang mga kasanayan sa Basic Life Support, na naglalayong ihanda ang mga kalahok sa mabilis at tamang pagtugon sa mga kritikal na sitwasyon.

Sa pamamagitan ng nasabing module, binibigyang-diin ng programa ang kahalagahan ng holistic na paghahanda at maagap na pagtugon upang mapanatili ang pangkalahatang kaligtasan at katatagan ng buong komunidad.